Ang paghingi ng tulong sa Senate Assist ay libre. Siguraduhing tama, malinaw at kumpleto ang ipapasang dokumento. Dahil sa rami ng requests na aming natatanggap, limitado lamang ang maaari naming maproseso kada araw. Hinihingi po namin ang inyong pang-unawa. Kung nakatanggap na ng assistance, maaari muling humingi ng medical assistance pagkalipas ng TATLONG BUWAN mula sa araw kung kailan nakatanggap ng guarantee letter. Salamat po.